• Hindi ka tuturuan ng librong ito kung paano magsulat. Buhay ang gagawa n'on.
  • Ang rules ay nandiyan para sirain. Nagawa na nila lahat, ba't mo pa gagawin? Nakarating na sila sa Quiapo, ba't ka pupunta doon?
  • Eh saan nga ba tayo natututo kung hindi sa mga sakit at sa mga sugat? Ang process at ang karanasan ang importante, hindi ang output o ang pinatunguhan.
  • Ang pagsusulat ay isang act of faith. Takot kang tumalon. Gusto mong handang-handa ka na bago ka magsulat. Pero kailanman, maniwala ka, hindi darating ang panahong handang-handa ka na.
  • ...ang pelikula ay kasinungalingang makatotohanan.
dec 30 2017 ∞
dec 30 2017 +