Gusto kong gumising ng payapa, ng may pagnamnam sa Bagong Buhay na ipinaubaya ulit sa akin ng panibagong araw.

Nais kong dahandahang bumangon, Nagbubukas at tinatanggap ang biyayang hatid ng Ngayon habang nag-uunat, nagdadasal, umiinom ng mainit na kape o tsaa (cacao), nagmumuni-muni sa pakiramdam ng katawan.

Habang nag-uunat at unti-unting lumalapat ang diwa sa Katawan, Aking tatanungin, "Anong gusto mong isabuhay sa ngayon?" Panunuotin, makikinig, at tutugon sa udyok ng aking napakinggan.

Huhuni, hahabi. Lilikha ng naaayon sa Diwa.

Dumating ako sa mundong ito, hindi ang bilang tao kung hindi bilang Diwa. Dumating ako sa mundong ito, hindi ang bilang diwa kung hindi biang Tao.

Ako ay Kaluluwang piniling makapaglakbay sa mundo ngayon .

Ano ang nais ko isabuhay dito?

~~~

nov 26 2024 ∞
nov 26 2024 +

I lay to rest,

  • the masks I wear to fit in, or feel a sense of belonging. These include:
    • Projecting the archetype of the victim when I share myself with others. I had a tendency to assume the role of a victim - disempowering myself in the process. I assume that I still need help, that there's still so much of me I have to 'correct' before I can flourish or take-up the gifts and blessings that are meant for me.
    • I realize I just have to accept what is available to me, despite the things about that I would still like to change; to affirm that I am worthy even as I am still healing. Even when there are parts of me that still feel disconnected or separate. A part of me belongs already. A part of me deeply feels connected._ And that is the space I wish to connect to especially in moments where I feel distanced or nuanced.
  • I want to stop acting like I don't know. I want to stop acting like others have be..._over my own truths and expressions_ .
nov 26 2024 ∞
dec 11 2024 +

Importante din ang Kalikasan sa akin.

Hindi ko madedeny. May pake ako. Hindi ko lang makilala pa sa ngayon, kung paano ko i- eexpress ito. Paano ko padadaluyin ang aking mga pakiramdam tungkol sa ating Inang Kalikasan? Paano ko ididilig ang aking Pagmamahal?

Matagal naman nang pumupukaw sa aking kamalayan ang pangangailangang pakinggan ang ating Earth Tahanan. At kapag sinabi kong pakinggan, ibig kong sabihin ay pakikinig na may pagkilala sa kung paano tutugon kung kinakailangan. Pakikinig na may pag-unawa.

Pag-unawa na hindi tayo iba sa Kalikasan. Hindi tayo hiwalay . Kaduktong ng ating buhay ang Kalikasan at kadugtong din ng Buhay Niya, tayong mga tao at lahat ng nabubuhay na nilalang.

Ang Lupa ay humihinga, nanaghoy, at nagmamahal. Nais din nitong mabuhay, tulad natin.

May buhay ito, tulad natin.

Buhay ito tulad natin.

nov 18 2024 ∞
dec 11 2024 +