- designing - kakabit ito ng hilig ko sa art.
- writing handwritten letters (thank you letters)
- handmade letter envelopes - mahilig akong magsulat ng sulat na ibibigay para sa isang tao. Madalas para makapagpasalamat lang sa mga bagay-bagay. Hindi na ako nakakabili ng mga envelope para dito kaya ako na rin mismo ang gumagawa ng paglalagyan ng mga sulat :)
- reading - kailan lang ako nahumaling na magbasa. Sa totoo niyan nitong pagpasok ko lang sa buhay kolehiyo sa UP. Madalas na binabasa ko ay mga maiikling kuwento (english at tagalog). to ang pampalipas oras ko at dito ko rin hinahanap ang mga bagay na hinahanap ko minsan. Books are really motivating, encouraging, and inspiring. Sa lahat ng bagay.
- writing, painting - kapag ginagawa ko ang dalawang bagay na ito, napakalayo ng nararating kong mundo at madalas rin akong nakakapag-isip sa mga bagay bagay. Higit sa lahat, kapag may natapos akong isang kuwento, entry, tula, or painting, ang saya-saya ng pakiramdam.
- eating - Ewan ko. Pero kapag kumakain ako, mas nakakapag-isip ako kadalasan sa lahat ng oras. Mas ginaganahan akong magsulat, magbasa at kumilos. Isa rin itong paraan para mapanatag o ma-comfort ko ang sarili lalo na kapag nag-iisa.
- dancing - salamat sa classmate ko noong elementary :) Nahilig ako dito. Masarap lang sumabay sa tugtog :)
apr 8 2012 ∞
may 21 2012 +