• Apat na taon at pitong buwan mula nung unang mag kakilala tayo, tatlong taon at kahalating buwan na pananatili sa kanlongan mo, at lambing isang buwan na pag layo sayo, ang bilis ng oras parang kahapon lang lahat ng yari ang lahat ng ito, sa dami ng pinag samahan natin masaya man o malungkot nag gugol tayo ng panahon nag buhos tayo ng pag sisikap sa pag ibig na sinimulan natin at pilit pinag laban, ito ba talaga ang kapalaran ng mapalayo sa taong minamahal o isa lamang patawad at rason sa pag ibig na nakulangan ng pananalig?? o oras na pilit kinukulong sa ating mga palad hindi malaman ang prayoridad hindi ba dapat kung mahal siyang mauuna? o isa nanaman patawad para sa pag ibig na onti onting tinatangay ng hangin at pedeng mahalintulad sa kandilang paupos na, ito ba talaga ang kapalaran ng pag ibig na pitong libong milya ang layo? na pilit kong pinag lalaban sa kabila ng aking kakulangan bilang iyong dating minamahal, ganun pa man hindi ako mag tatanim ng ano mang sama ng loob at kung meron ka nang bagong mamahalin, ayos lang ako ahy masasanay rin, sapat na at lubos ko na pina-pasalamatan ang apat na taon at pitong buwan na naging bahagi ka sa aking buhay, ang pag paparamdam mo sakin ng tunay na pag mamahal, at pag tanggap sakin ng buo ng pamilya mo, marahil hindi na ako makaka kita ng pag ibig na tulad ng iyo, pero wala ako magagawa kung hihilingin mo sakin ang oras na ikay palayain at pilit ko tong iintindihin ng walang amok na pag tatanong at bukal sa loob na pag tanggap, wala akong pinag sisisihan sa pag ibig natin na minsa'y pinag isa sa mga pangarap natin na binuo ng sabay na ngayon aanorin na ng alon, hindi kita sinisisi kung bakit tumamlay ang pag ibig mo sakin at hindi rin ako magagalit kung sa bawat liham ko siyang di mo pag imik at pag sagot, lahat ng nararamdaman ko ibubuhos ko sa liham na to dahil ito na lamang ang tanging huling pag papaalam ko salamat sa apat at pitong buwan na pananatili sa buhay ko lahat ng meron tayo ay isa na lamang masayang alaala na aking babalik-balikan hindi ako makakalimot mula sa unang araw na sinabi iniibig mo rin ako, ito na nga ba ang tunay na pag papaalam? kung ganun ituturing ko to na magandang pag papaalam, mula sayo sakin sa tayo at sa mga pangarap na minsa'y pinag isa.
jun 29 2015 ∞
jun 29 2015 +