• di ko alam pano at san nag simula ang lahat, bigla na lang ako nagising na siya na ang tumatakbo sa isipan, hindi ito ginusto ng aking puso, at lalong hindi rin sinadya ng aking isip, may mga bagay talaga na ngyayari ng biglaan, walang pansintabi, ura urada na lang na mangyayari sa hindi inaasahan na panahon, susulat ako sa pag asang mabawasan ang bigat ng damdamin kong hapos, susulat ako sa pagkat hindi kaya iwaksi ng aking bibig ang ang nadarama, ililihim ko at isisilid ko sa kwadtradong panunulat, lahat ng aking na darama na pilit ko mang gustong aminin, subalit di kayang ipag diin pano ngyari na ako'y nahulog sa taong minsanang lang makita, maswerte na sa loob ng isang buwan ang tatlo, paano nahulog ang isang tulad ko sa taong, kay hirap pag masdan, tinatangay ng hanging amihan ang aking isip, pag ako'y napatitig, hindi ko maintindihan at di ko maunawaan bakit, ganito ang hatid sakin ng tadhana, mahulog ang damdamin sa komplikadong panahon, bagama't dulot mo ang ngiti pag tuwing kita'y naiisip at kakambal ng ngiti ang hapdi ng hindi maamin na pag sinta, nais kong ibsan ang nadarama ng malapatang lunas ang di maaming pag tingin hanggang kylan ito mananatili at hanggang kylang ito ikukubli, sabay sa aking pag buntong hininga ang siyang pag silid sa nadarama.
may 24 2015 ∞
may 25 2015 +