• may 25 2015 11:39PM - hindi ko alam pano ako mag sisimula papano ko ilalapat ang nararamdamn ko, sa kulungang ito, nais ko sana maipag tapat sayo ang pag sinta pero tila hindi ata maganda ang aking pag intrida, lumalapit ako sayo pero tinutulak mo ako papalayo, ka'y hirap isipin at ka'y hirap tanggapin na hindi mo ako gustong lingonin, at sa bawat pag umpisa ko sa usapang aking pinanabikan, ikaw naman siyang gustong wakasan, alam ko na, na hindi ka interesado marinig at malaman ang bawat kwentong baon ko,ramdam ko iwas ka sa mga pasimulang kilos ko, hindi ko maaaring diktahan ang puso mo,upang ako'y iyong mabigyan pansin, at maluwag ko na itong tatanggapin, mag papasya ako na ititikum ang aking bibig at hindi mag sasambit sa mga nais kong sabihin sayo, ipipikit ko ang aking mga mata, ng sa ganun hindi ako lubosan mahulog sayo, isasarado ko ang aking puso, ng hindi na madama ang pag kasawi na alam kong nasa harap ko na, hindi ako kikibo at iimik pag andiyan ka na, ng sa ganun hindi na lalong lumala ang pagka lulong ko sayo, lahat ng aking nadarama ay aking iipunin at isisilid sa aking bulsa, lahat ng aking gustong sabihin sayo, ay aking ibubulong sa mga tala, hanggang sa muli ako'y lilisan na. At tatanggapin ang kapalaran ko na napag laruan, ang umibig ng patago ang sumulyap sayo ng panakaw. Lahat lahat ng ito ay aking itatago hanggang sa mga huling sandali sayo, oh anong lungkot at pag hihinagpis ang aking darama Paalam na sinta kong panandalian lang.
may 25 2015 ∞
may 26 2015 +