|
bookmarks:
|
main | ongoing | archive | private |
Kung saan napatunayan ng long-term couple na sina Chanyeol at Baekhyun na sadly, totoo nga ang 7-year itch.
Chararat daw ang fiancée ni Baekhyun kaya naman gumawa ng paraan ang mga protective niyang kuya para hindi matuloy ang kasal. Plan A and Plan B did not work. It’s time for Plan C. Pabalikin ang The Ultimate First Love at ex ni Baekhyun, si Chanyeol.
“Bakit bumalik ka pa?”
“I miss you, Baek.”
So ayun. It's been 4 years since I first saw you and I still love you, aking Luna." ngumiti si Yeol at nagsimula nang tumugtog.
Madali lang sana ang maging isang manunulat. Para kay Chanyeol, ang pagsusulat ay mahika na kung saan ay kaya niyang baguhin o ayusin ang lahat ukol sa kagustuhan niya. Paano kung ang isang karakter sa isang kuwentong kanyang isinusulat ay nagsimulang hindi umayon sa kagustuhan niya?
ito na ata ang pinakamalaking dagok sa writing career ng best-selling at award-winning crime fiction writer na si Baekhyun Byun. mayroon lamang siyang pitong buwan para tapusin ang huling nobela ng kanyang series. bawal na extension, nasagad na niya ang pasensya ng kanyang publishers. tapos bat' gano'n, bakit napakalandi ng bago niyang editor na si Chanyeol Park?!
Ika-sampung taon nang magkarelasyon ni Chanyeol at Baekhyun. Lahat ng tao sa paligid nila walang ibang tanong kung hindi kailan ba sila ikakasal? Hindi na rin sigurado nang dalawa kung san pa ba tutungo ang relasyon. Tanging kasal ba ang solusyon para maayos ang dalawang pusong nawawala na sa landas?
Limang taon na nang iwan ni Baekhyun si Chanyeol nang walang dahilan. Ngayon, isang Gdrive mula sa dating kasintahan na puno ng kanilang mga alaala at isang sulat mula sa nakaraan, kasama ang pangako ng pagbabalik ni Chanyeol, ang nagbabantang yumanig sa bagong buhay na marahang binubuo ni Baekhyun. Pero paano kung ayaw na niyang bigyan pa ng pagkakataon ang pag-ibig nila at gusto na lang ibaon sa limot ang lahat?
Workaholic si Baekhyun. Overachiever si Chanyeol. Wala na silang ibang ginawa kundi ang makipakumpitensya sa isa't isa. Ngunit isang paglalakbay sa probinsya ng Negros ang magpapaalala sa kanila sa sabik na nararamdaman nila patungo sa isa't isa.
Chanyeol Park is the man of every girls and even boys' dreams. He's smart (always a dean's lister), approachable, handsome, and has great sense of humor. Marami na siyang nakakafling pero hanggang duon lang, he never had a serious relationship. He's been like that ever since but that's not until he met Baekhyun. Handa na si Chanyeol gawin ang lahat para maging sila kaso may isang problema, takot si Baekhyun sa commitment.
Baekhyun and Chanyeol never had a proper closure kaya naman hindi malaman ng rapper ang mararamdam niya nang iperform ng kanyang ex ang bagong kanta nitong "Love Again" sa isang music awards show na dinaluhan nilang dalawa.
Ang Pustahan: Make him fall in love with you within 7 days and then break-up with him. The Target:Byun Baekhyun
Ito ang dahilan kung bakit ginagawa ni Park Chanyeol ang lahat para makuha ang isang Byun Baekhyun. Mahulog kaya ito sa patibong niya o baka kabaliktaran ang mangyari?
Ipapaalala ni Baekhyun kay Chanyeol ang mga dahilan kung bakit nila minahal ang isa't isa.
Disease based on Frozen
Si Park Chanyeol ay isang sikat na manunulat at may isa siyang nobela kung saan isinulat niya ang dapat na 'happy ending' ng dati niyang nobyo na si Byun Baekhyun.
6 years na ka-love team. 2 years niya nang minamahal. Nasanay na si Baekhyun na si Chanyeol ang kasama niya at dahil sa trabaho nila ay nagagawa niyang kahit papaano ay maipakita kung anong nararamdaman niya.
Paano na lang kung sasabihin sa kanilang iba muna ang magiging ka-partner nila para sa susunod na project? Hindi niya rin alam.
Basta sigurado siya sa isang bagay: Masasaktan siya.
Ilang taon na pinagsisiksikan ni Baekhyun ang sarili niya kay Chanyeol. Kahit anong gawin niya para makuha ito, bulagbulagan pa rin siyang pinagtatabuyan nito. Tuwing iniisip ni Baekhyun ang lahat ng mga panahon na hinahabol niya si Chanyeol, nalulungkot at napapaisip na lang siya.
Siguro dapat itigil niya na ito.
Si Baekhyun ay nakakakita ng mga multo simula pa lamang ng pagkabata niya. Oo, natatakot siya pero sinusubukan niyang tulungan ang mga ito. Hanggang sa dumating ang araw na nakita niya ang una niyang pag-ibig, si Park Chanyeol, malamig at amoy na amoy pa ni Baekhyun ang pabango nito. Ang masaklap pa dito ay di niya alam na patay na siya.
Gusto lang naman ni Baekhyun yumaman at mamuha mag-isa, pero bakit naman siya biglang binigyan ng ex-bestfriend na may anak? (Or alternatively, si Kyungsoo at Sehun lang ang nakakakita sa paglalandi ni Chanyeol kay Baekhyun na manhid.)
Isang gabi, nagfeeling hero si Chanyeol at sinave niya si Baekhyun. Ang napala niya? Isang masungit na tanong at makulit na stalker.
Kung saan hindi inakala ni Chanyeol na ang mababaw na si Baekhyun ay may tinatago palang malalim na sugat.
Baekhyun and Chanyeol hate each other's guts. Lagi silang nagkakapisikalan kapag nagkakasalubong sa campus at hindi sila makikitang tahimik habang nasa presensya ang isa. Pero hindi nila akalain na magiging malaking comfort pala nila ang isa't isa.
Sa mga pagkakataong ang mga bulaklak ay nalalanta, panibagong mga bulaklak ang sumisibol. Akala ni Baekhyun, wala nang katapusan ang pagod at hirap niya bilang nag-iisang nagtataguyod sa kapatid niya. Kaya nang makilala niya ang isang estranghero na walang mukha, hindi niya inakala na ito na ang makakapagpabago sa mga naging pananaw niya sa buhay,
Sabi nila madaling magmahal pero mahirap panatilihin ang pagmamahal. Kapag pumasok ka raw sa relasyon dapat ay handa ka at hindi padalos-dalos. Hindi rin parating masaya dahil parating mayroong pagsubok. Sabi ni Baekhyun kaya niyang tiisin ang lahat hangga’t kasama niya si Chanyeol. Sabi naman ni Chanyeol, gagawin niya ang lahat para maging magkasama sila ni Baekhyun hanggang dulo pero paano kung habang lumalaban silang dalawa ay pareho na silang nauubos? Paano mo ba malalaman kung tama pa ba ang ipinaglalaban mo? Ano ba dapat ang tamang gawin? Bibitaw ba o lalaban?
“Mahal mo?”
“Sobra.”