• NO MENTAB
    • Ito ay tuwing Biyernes para naman magkausap-usap ang lahat ng mga kasapi. Ang mga mahuhuling nagmentab ay magkakaroon ng karampatang parusa (pakibasa ang Feature #5).
  • CHARACTER CHANGES
    • Unli ang Character Changes o ang CC dito, ngunit ipinagbabawal ang TCC para hindi magkalituhan. Maaari ka lamang mag-CC kada 5 araw.
  • JAILED ACCOUNT
    • Ang Jailed Account natin ay para sa lahat, ngunit kung papansinin niyo ang pinned tweet doon ay may nakalagay na 'listahan ng maiingay.' Bawat taong najejail ay ililista ang kanilang pangalan, petsa at oras kung kailan sila najail. Ang siyang pinaka-maraming beses na najail ay magkakaroon ng award sa Awards Night.
  • AWARDS NIGHT
    • Ang Awards Night ay gaganapin sa tuwing magtatapos ang buwan. iilan sa mga award ang manggagaling sa desisyon ko, ni Asami at ni Bolin (dalawang co-admins). ang mga natitira namang award ay manggagaling sa boto ninyo! kaya vote wisely.
  • "The child sacrificed in order for Omelas to be happy."
    • Ops, 'wag muna magreklamo! Ang 'sacrifice' na gagawin natin dito ay hindi katulad sa Omelas na mayroong isang ikukulong para lahat tayo ay maging masaya. Bawat taong lumabag sa No Mentab Policy natin ay kabilang sa poll na gagawin tuwing Sabado at pagbobotohan ng mga kasapi kung sino ang siyang kaisa-isang tao na gusto nilang bigyan ng dare! Ang siyang pinili ng taong-bayan ay magkakaroon ng tatlong dare na manggagaling sa tatlong tao.
  • 'Mga lihim na inilabas' o CONFESSIONS
    • Si Mako ang bahala dito. Para naman ang inyong mga gustong sabihin ay hindi na aabot ng TRP. At 'wag niyo naman nang sana paabutin ng TRP ang inyong gustong ilabas sa mga tao dito, ayokong magkaissue na tipong aabot pa ng gan'on kalaki. Sige, paabutin niyo pa 'yan ng TRP, kapag nalaman namin kung sino ka ay automatic kang kicked. Tulad nga ng sinabi ko sa patakaran, 'wag niyo akong subukan.
may 4 2017 ∞
may 4 2017 +