- "Di sa iyo nanggagaling ang tapang. Nakukuha ang lakas sa masa at sambayanan."
- "Hindi lamang sa pag-sali sa mga rally naipapakita ang pakikibaka. Ang pagiging kritikal at mulat ay pakikibaka na rin."
- "Kung nais mo ng pagbabago, ito'y ipinaglalaban. At kung nais mo ng kalayaan, ito'y hindi ipinagpapaalam o ipinapakausap o iniiyakan: ito'y inaangkin."
- "Laging napapanahon ang paghihintay ng tamang pagkakataon."
- "The philosophers have only interpreted the world; the point, however, is to change it."
- "Hindi ito para sa akin lamang, kahit pa ano sabihin ng tao. Para ito sa tao, sa Sambayanan. Para sa mga kaklase at kaibigan na nagbabanat ng buto para sa sahod, para sa masuportahan ang pamilya, para makabili ng mga bagay na pinagkait sa kanila noon; para sa tropa ko na nababatak na masyado dahil kaunti lang ang nakapaglalaan ng oras at lakas sa gawain; para sa kr ko, na alam kong kasama ko pa rin sa pangangarap ng malayang bukas sa isang masayang lipunan; para sa mga pamangkin ko, na namumulat sa panahong marahas; at para sa Sambayanang Pilipino na patuloy na pinahihirapan ng tatlong salot."
- "I am still alive. As long as I will not let sadness overwhelm me, as long as my ideology is strong enough to struggle against it, as long as I am raising my fist and chanting with the people, it will not conquer me."
- "Buhay pa rin kami. Nag-iingay pa rin kami. Lumalaban pa rin kami. At kahit isa-isa mo kaming paslangin, kunin, gahasain, o tortyurin, hanggang hindi natatapos ang pag-yurak mo sa karapatan ng Sambayanan, walang katahimikan. Dahil hindi iilan lang ang kinakalaban mo. Hindi daan-daan lang. Hindi libu-libo lang. Kundi ang buong Sambayanan!"
- "A revolution is not a dinner party, or writing an essay, or painting a picture, or doing embroidery."
- "Hindi ko nararamdaman na ako'y tapos na sa pag-aaral. Sa loob siguro ng pamantasan, oo. Pero ng lipunan, ng masa, hindi pa. At hanggang sa huling hibla ng hininga ko, ako'y nag-aaral pa rin: nag-aaral kung paano gumagana ang kasalukuyang sistema, at kung paano, sa wakas, ito'y maibabagsak at mapapalitan."
- "The most important thing when ill is to never lose heart."
- "Ang pagiging ina sa isang tao ay hindi lamang nasasabi buhat sa kung sino ang nagluwal sa iyo sa mundo. Ang paghubog mo sa kanya upang maging mabuting mamamayan; ito ang gawain ng tunay na ina. Mas matimbang nga ang dugo kaysa sa tubig; ngunit mas matimbang sa dugo ang respeto, aral, tiwala, dignidad, at suporta na ibinigay mo sa iyong anak. Dahil hindi dugo ang batayan."
- "Iba ang talino hango sa lansangan; ang tunay na guro ay karanasan! Ano ang silbi ng yaring aklat sa paaralan, kung ang paligid ay bulag naman?"
- "Ang sistema ay hindi masyadong malaki para hindi natin kayanin na baguhin ito."
- "Ang panahon ngayon ay panahon ng pagbabago, panahon ng ligalig, panahon ng pagtalikod sa nakasanayan patungo sa makatarungan. Ito ang panahon na tayo ay dapat patuloy na kumikilos, patuloy na inoorganisa ang mga sarili, at patuloy na inaalam ang nagaganap sa lipunan. Ito ang panahon ng paghahanda para sa maganda at malayang bukas."
- "Despair is typical of those who do not understand the causes of evil, see no way out, and incapable of struggle."
sep 5 2008 ∞
sep 5 2008 +