• hal

So here's a poem he wrote for me..

Sa buhay may biglang tao na darating, Gigisingin puso mong malalim ang pagkakahimbing, Ito na ba 'yung matagal kong hinihintay? 'Yung babaeng bubuhay sa puso kong matagal na ang pagkakahimlay?

Oh kay tagal ko 'tong pinangarap, Ngunit 'di kita pilit hinanap, Dahil alam kong ikaw ay darating, At sa aking buhay ay mag bibigay ng ningning.

Sa'yo ko natutunan ang mahalagang leksyon, Na hindi ako mag tatagumpay kung wala namang ginagawang aksyon, Ikaw ang taong nag bigay inspirasyon, Sa aking buhay na noo'y wala nang direksyon.

Dahil sa'yo natuto ulit ako mangarap, Na kung gusto talaga kita, kailangan kong magsumikap, At lahat ng ito ay magiging mahirap, Ngunit sa wakas nito ay makakamit ang tunay na sarap.

Ikaw ang pag ibig na matagal kong hinintay, Na sa aking buhay ay mag papasayang tunay, Bawat oras na kasama ka mundo ko'y puno ng kulay, Bawat sandali ay napaka sayang tunay.

Hindi ko hinahangad ang walang hanggan, Ngunit nais kong makasama ka hanggang sa kamatayan, Para sa buong mundo'y ating mapatunayan, Na walang nang hihigit sa ating pagmamahalan.

- RCC

PS: Hey Raf, just know that I am grateful to have you in this lifetime and that I love you from the bottom of my hypothalamus, lol! You're my forever tagteam ♡

dec 20 2016 ∞
jun 13 2020 +