Pamagat: Pananaliksik sa Cyber Education

Mananaliksik: Cocson, D. et. Al

Paaralan: St. Scholastica's Academy of Marikina

Petsa: Pebrero 28, 2009

I. SULIRANIN Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa kawalan ng bisa sa pagkatuto at pagbibigay edukasyon ng internet. Ang mga sumusunod ay ang mga suliranin na nais sagutin ng mga mananaliksik:

a. Paano ito makakaapekto sa kasalukuyang antas ng edukasyon sa bansa?

b. Magiging makatotohanan at makabuluhan ba ang programang ito ng DepEd sa Pilipinas? Makabubuti ba ito sa mga mag-aaral?

c. Sagot ba ito sa lumalalang problema sa edukasyon?

II. LAYUNIN Sa pamamagitan ng papel na ito, naglalayon ang mga mananaliksik na makapagbigay ng mga kongkretong impormasyon hinggil sa cyber education at ang relasyon nito sa mga kabataang gumagamit nito. Ninanais na pag-usapan ang iba’t ibang epektong dala ng klase ng edukasyon na ito – mapabuti man o masama. Ang pananaliksik na ito ay makapagpapakita at makapagpapatunay na hindi sapat at tiyak na impormasyon ang nakukuha sa internet.

III. METODOLOHIYA Ang mga mananaliksik ay gumamit ng interbyu upang makalikom ng mga impormasyon tungkol sa pag-aaral na isinasagawa at ang iba’t ibang apekto ng cyber education sa mga estudyante at mga guro. Gumamit ang mga mananaliksik ng kwantitatibong metodo.

IV. SAKLAW Ang pananaliksik na ito ay naglalaman ng mga opinyon ng mga estudyante ukol sa ‘cyber education’ at kung sang-ayon ba tayo sa pagpapatupad ng ganitong sistema ng pag-aaral. Nilalayon din ng mga mananaliksik na alamin ang mga bagay-bagay na nag-iiwan ng mga katanungang hindi masagot. At makakatulong ang pananaliksik na ito di lamang sa mga mananaliksik, kundi pati na rin sa mga tao.

aug 11 2018 ∞
aug 11 2018 +