- Ito ang teorya ng Writer: / Me quota ang pag-ibig. Sa bawat limang umiibig, isa lang ang magiging maligaya. Ang iba, iibig sa di sila iniibig. O iibig nang di natututo. O iibig sa wala. O di iibig kailanman. [...] Pero merong isa sa lima, harangan man ng kulog, ng mga ganid, ng lindol at ng teknolohiya, mahahanap niya ang kanyang mahal. Siya lang ang magiging maligaya. (pp.36-38)
- Na-realize niya na dahil ang nararamdaman niya ay hindi kayang ilagay sa mga salita, mas totoo ito, at mas totoo siya.
- Dahil totoo ang sabi nila, ang great love mo ay hindi mo makakatuluyan. Ang makakatuluyan mo ay ang correct love.
- Kaya tatlo silang naghihintay. Kung sino ang unang mamamatay. Kung sino ang unang makakalaya.
- Kapag walang masulat, tatayo siya sa harapan ng paparating na tren, iniisip na buti pa ang tren na ito, walang isip pero me pupuntahan, ako, saan nga ba ako papunta?
- Gusto niyang isiping wala na siyang nararamdaman para dito, na nakalimutan na niya ito, pero mas matinding makaalala ang puso kaysa utak.
- Dahil pagsama-samahin man lahat ng NGO's at volunteer groups sa buong Pilipinas ay di makakayang bigyan ng relief ang pinaghalu-halong kaba at takot at panghihinang nararamdaman niya.
mar 17 2012 ∞
mar 21 2012 +