Orals on Tuesday 1:15-1:25PM Gotta cram half-a-term's worth of Philosophizing
- Napakaraming iba't ibang abot-tanaw sa larangan ng kaalaman. Nakatutulong ang iba't ibang disiplina sa pagpapatindi ng kamalayan ng tao. Subalit mabibigyang linaw ng pilosopiya ang mga uri ng katindihang ito. Mahahati ang mga uri sa tatlo: pagkagulat, pagkamulat, at pagkagising.
- Sa Symposion ni Platon, inuulat ni Sokrates ang kaniyang narinig mula kay Diotima ukol sa pag-ibig at maganda bilang paksa. Maaaring mailagay sa hagdan ang karanasan ng maganda. Ang tugon ng tao sa tawag ng meron bilang maganda ay nagbubunga ng pagpapakatao. Mula rito nakikitang ang pagpapakatao ay isang arete.
- ✔ Sa pagmumuni-muni ukol sa meron sa aspekto ng buhay, makikita na mapag-uusapan ito sa pamamagitan ng mga yugto ng hagdan. Nagtatalaban ang mga yugto ng hagdan sapagkat ang bawat yugto ay pareho sa iba sabay bukod-tangi rin.
- Ang pagkahawig, pagkapareho na sabay sa mismong pagkakaiba, ang pagkaibang iba na nasa kaibuturan ng mismong pagkapareho, ay nakaugalian nang tawaging analogia. Ang kakayahang mag-isip ayon sa paksa ay kakayahan ding kumilatis sa mga importante at talagang totoong pagkakaiba, at sa mga importante at talagang totoong pagkapareho.
- Sa isang talakayan na konsepto ang pinag-iikutan, magagamit ang konseptong tao sa paraang univocum. Sa talakayan ng talinhaga ang nakasangkot, magagamit ang katagang tao sa parang equivocum. Sa pagbigkas sa taong nagmemeron, dapat analogum ang pagbigkas.
- Sa kalaliman ng analogia, makikita na may malawak na bangin sa pagitan ng Lumalang at linalang. Tinatanggap ng bawat meron ang pag-iral bilang biyayang nagmumula sa Mismong Meron. Nakikibahagi (participatio) ang linalang sa meron ng Lumalang ayon sa angkop (proportio) na pagmemeron.
- Sa pagbigkas sa meron-ito na nagpapakita sa paggaganito-ang-meron, nararanasan ang analogia sa pagkilalang hindi matigas na sentrong hindi nagbabago ang meron-ito at ang hiwaga ng meron-ito ay nararanasan at nasasaksihan sa bawa't pagganito-ang-meron.
- Sa masusing pagkilatis, namumulat akong sa pagtatanong ng "Meron ba akong sarili?", bumibigkas ako ng isang maling tanong. Mula sa udyok ng mismong katotohanan, natatauhan ako na ang meron ko ay sarili. Nagigising ako sa aking sarili biling lihim na kalaliman at sa aking kapwa tao bilang hiwagang umiiral.
feb 27 2009 ∞
mar 3 2009 +