|
bookmarks:
|
main | ongoing | archive | private |
Importante din ang Kalikasan sa akin.
Hindi ko madedeny. May pake ako. Hindi ko lang makilala pa sa ngayon, kung paano ko i- eexpress ito. Paano ko padadaluyin ang aking mga pakiramdam tungkol sa ating Inang Kalikasan? Paano ko ididilig ang aking Pagmamahal?
Matagal naman nang pumupukaw sa aking kamalayan ang pangangailangang pakinggan ang ating Earth Tahanan. At kapag sinabi kong pakinggan, ibig kong sabihin ay pakikinig na may pagkilala sa kung paano tutugon kung kinakailangan. Pakikinig na may pag-unawa.
Pag-unawa na hindi tayo iba sa Kalikasan. Hindi tayo hiwalay. Kaduktong ng ating buhay ang Kalikasan at kadugtong din ng Buhay Niya, tayong mga tao at lahat ng nabubuhay na nilalang.
Ang Lupa ay humihinga, nanaghoy, at nagmamahal. Nais din nitong mabuhay, tulad natin.
May buhay ito, tulad natin.
Buhay ito tulad natin.