|
bookmarks:
|
main | ongoing | archive | private |
A conversation with my inner voice.
"Oh, napa'no 'yang braso mo?"
"Eto ba? Wala lang, nakagat lang."
"E kung kagat 'yan, bakit naninilaw?"
"Sinearch ko online noong nakaraan. Ang sabi, kapag parang nag-yellow na raw ang pasa, maghi-heal na."
"Maghi-heal na nga ba talaga?"
"Oo naman, wala namang forever sa mundo. Alam kong gagaling din siya kahit na tumagal man. Hahayaan ko lang hanggang sa kusa nalang mawala."
"Hindi ba parang nakakapagod naman 'yun? Siguro mas maganda kung may ilagay ka riyan para mapabilis sa paggaling."
"Sus, huwag na. Hindi naman siya sumasakit, kapag natamaan lang naman. Kaya huwag mo muna akong hawak-hawalan, ah?"
"Oks, noted. Oh, e bakit mo naman pinipisil ngayon? Akala ko ba masakit kapag nahahawakan?"
"Hindi ko rin alam. Siguro gusto kong makaramdam ng sakit? May mga oras talaga na mag- andang pisil-pisilin para alam ko kung masakit pa ba. Ayos na kaya kapag natamaan? Hindi na ba mahapdi? Kaya lang ba ako hindi nasasaktan ay dahil iniiwasan ko? Gumagaling na nga ba talaga?"
"E akala ko ba nakita mo online na pagaling na kapag ganyan. Bakit kailangan pang hawakan?"
"Alam mo, hindi naman porque pagaling na e hindi na masakit. Hangga't may pasa, hindi pa magaling. Nasa proseso palang."
"Teka, tungkol pa ba sa pasa ang pinag-uusapan natin?"
"Oo naman! Ano pa nga ba? Pero alam mo, paminsan-minsan, naiisip ko rin na ibalandra 'tong pasa na 'to. Feeling ko kasi e makakukuha ako ng atensyon. Maganda rin palang ipangalandakan na hindi pa siya magaling. Baka kasi may tumulong sa'kin na pabilisin ang proseso."
"Kailangan ba talaga ng ibang tao para gumaling 'yan?"
"Hindi naman sa ganoon. Ang akin lang, baka matulungan ako ng may gawa nito. Ang weird 'no? Mas gugustuhin ko pang agapan 'to nagbigay sa'kin nito kaysa sa ibang tao. Umaasa pa rin ako na mag-reach out siya para tulungan ako. At saka gusto ko ring malaman ang rason kung bakit niya nagawang bigyan ako ng ikasasakit."
"Feel ko talaga hindi na pasa ang pinag-uusapan natin dito..."
"Basta ang alam ko ay gagaling din 'to. Hindi man mabilisan, pero alam kong mawawala rin 'to. Sa ngayon, ie-enjoy ko lang na i-display 'tong pasang 'to kasi mawawala rin naman siya someday."
10/24/24 | 11:34 p.m.