3/19/24

  • Ramdam ko ngayon ang 'pangdidiri', ang pakiramdam ng pagnais pumiglas mula sa sarili (katawan) dahil may ginawa akong hindi ko tunay na gusto o kailangan. Nasusuka.

Takaw lamang ng bibig ~ a 'false' need that tells me I need to fill to feel. (Aaah, iba ang lapat ng mga katagang ito ngayon.) Literal, kumain lang ako ng nagpadala sa emosyon ng Takaw. Ano ba ang takaw? Saan ito nanggagaling, Ina? Ano talaga ang inaasam niya/ko?

  • Minsan (as in nitong mga nakaraang araw lang), naiisip ko na sanay kasi akong...masikip, sanay na bawat espasyo sa katawan (within) ay pinupuno ng distractions, pagpapanggap/ganap (performance), at iba pa.

Pero ngayon...dahil bagong tao na, bagong hubog muli at bagong linis... naninibago pa sa espasyon na hindi naman kailangan punuin dahil pinunan na Niya. Walang kailangan gawin. Walang kailangan idagdag. May maibabawas ba? Oo, parating meron pwedeng ibawas dahil Siya lang ay Sapat na para sa Kabuuan. Nagbabawas nga tayo para mas puno Siyang matanggap eh, hindi ba? :)

  • Haaayy, Nanay. Tulungan mo po ako sa Lakbay na ito. 🙏🏽💚
mar 19 2024 ∞
mar 19 2024 +