|
bookmarks:
|
main | ongoing | archive | private |
Sinusubukan kong alamin, aralin at pakiramdaman kung paano ang bumitaw.
Sinusubukang kapkapin ang mga parteng natitira, "Sino ba ako kapag magaan?"
Walang dala-dala,
walang bagahe,
basta,
magaan.
At sa tuktok ng aking mga mata, natatanaw ko ang liwanag,
Umuusbong mula sa akin.