Dear Nanay,

Hindi ko inakala at hindi ko naisip na posible pa pala ako magkaroon ng mga bagong kaibigan, akala ko, daan daan lang Nagkakasama kapag may pagtitipon at naiiwan na doon, may baon lang kaunti, pero akala ko doon na magtatapos ang relasyon Hindi ko namang inakala, nawari, naisip o pinangarap man lang nga eh na maging kaibigan sila na posible pa lang kaming maging magkakaibigan, I didn't realize friendship has become so foreign to me, I thought connections were always fleeting, these one time things that falls away when you're no longer in each other's presence... Pero pwede naman pala ipagpatuloy, posible naman palang may karugtong

HUWHAAATT??

Nasanay na nagkukubli Nasanay na inaayon ang sarili sa hugis ng mga espasyo ginagalawan o nagagalawan, Hindi ko inakalang, maari palang maglayag at maari din palang ako ang humulma ng espasyo may hahawak din pala sa akin, may manonood habang lumilipad, may

"Bitwan na natin ang Pagmamahal na sa simula pa lang ay hindi naman talaga atin (lang), (hindi natin pag-aari). Tiwala na may sapat na Pagmamahal, para sa lahat,"

sep 21 2023 ∞
mar 17 2024 +