3/18/24

Okay lang Aien, kung isa sa mga rason mo kung bakit mo ayaw sa office ay...

  • ayaw mo ng aircon
    • dahil gusto mo ng natural na yakap ng hangin, at sikat ng araw sa araw-araw

Okay lang na,

  • ayaw mo ng fixed office hours
    • gusto mo ng flexible yung oras mo para magawa mo yung mga nais mo, para mas maayon sa natural mong daloy ang araw-araw mo

Bago ito, bago ito dahil hindi ito ang 'itunuro' na paraan ng pamumuhay.

Ikaw ay lumilikha, at sinusubukang isabuhay, ang daloy ng buhay na nais mo, para sa iyo at para sa lahat (_Natural_).

Pakinggan.

  • Ano pa yung mga pinipili kong rason para manatili?
    • I have help naman here eh. We have a team, we're trying our best to make ends meet / meet what needs to be accomplished.
    • Whose standards is being accomplished here, Aien? Para kanino, para saan yung mga accomplishments? Alay ba sila para kay Ina? Or sa...kapitalismo pa din? Sila na nagdidikta kung paano dapat tumakbo ang buhay natin (na non-Source oriented?)
    • Extractive / exploitative - shaping us to be built for 'survival'.

Bakit ka nahihirapan tanggapin na hindi na ito para sa atin?

Or more than that...

Ano yung ayaw mo na? At ano ang gusto mo?

Kung ipinakilala sa iyo ng Diyos, na posible naman pala. Na iba pala ang daan at hantungan kaysa sa inakala o ipinaniwala sa'yo.

jan 12 2024 ∞
mar 18 2024 +