|
bookmarks:
|
| main | ongoing | archive | private |
She was my first bestfriend. When I started grade school, napaka-loner ko. As in. Walang kaibigan. But she was the only one who came to me para magpakilala. Sakto parehas kami ng village kaya lagi akong nasa bahay niya at lagi din siyang nasa bahay ko. Ganun kami ka-close. ^-^ Kaso nung nagGrade 4 ako, lumipat kami ng bahay. Nagsulatan pa kami, nagbigayan ng mga remembrances, pero di katagalan...nawala yung closeness namin. Ang sakit lang na wala pang 1year mula nung lumipat kami ng bahay, may bago na siyang so-called "best friend". T-T Pero that's life. Atleast we're still friends...sa Facebook. Hehe. Di na siya nagpaparamdam. -.-
Eto. Ang first guy bestfriend ko. Ang cute cute nitong lalaking to. Naalala ko, nung unang pagkikita namin nagkakahiyaan pa pero eventually naging close agad nang dahil sa robot kong laruan. Hahaha! Tapos pinakanaaalala ko pa naglalaro kami sa kwarto namin sa double deck naming higaan. Akyat baba kami dun, naghahabulan. Hoho. Tapos edi ayun, lagi na nagkikita, tas nakakatuwa may picture pa kami na nakakandong ako sakanya. ^-^ Oh memories...crush ko yun dati eh. hahaha! Sinabi ko pa sakanya na boyfriend ko siya tas girlfriend niya ko. LOL. Pagbata nga naman. :)) Pero ayun, di katagalan lumipad papuntang states. Iniwan ako. T-T Then di na nagparamdam. Tas one day nakita ko siya sa Facebook. HAHAHAHA! Wala lang, natawa lang ako. Sobrang laki ng pinagbago niya. Basta! :)) Pero kahit ganun, namimiss ko parin yung lokong yun. LOKO talaga. Kasi in-add ko yun sa FB hanggang ngayun di pako ina-accept! Masakit! Di niya ko naaalala. Hahahaha!
Hehe. Ang aming butihing kapitbahay. Pero ang naging close ko talaga sa kanila si Kuya RJ. Kasi si Ate Christine medyo tahimik na parang ayaw makipagclose sakin. Lol. Pero si Kuya RJ lagi ko din yang kalaro! Halos araw-araw pumupunta ko bahay nila para maglaro kami. Dami niya kasing laruan eh. Haha! Tas minsan nagbibingo pa kami. Tapos yung text? Tapos yung yugi-oh ata yun, crash gear, jolen. Mga ganun! LOL. Memories...great memories. Hahaha!
Eto...naging close friend ko rin 'to. Parang near best friends na kami nito eh. Pumupunta din ako sa bahay niyan at trip na trip namin maglaro sa attic nila. Ganda kasi ng attic nila, ang dami-daming iba't ibang fashion dresses tas andun lahat ng toys niya. Ayun. Ngayun nakakapag-usap pa kami niyan sa FB eh. hehehe. Pero mas matanda ako sakanya. Sadyang isip bata lang ako. =.= hahaha! k.
Eto! Naging kaclose ko 'to! Tatay niya yung service ko dati sa school. Kaya di ako nalelate kasi magkalapit lang kami ng bahay. Hahaha! Siya yung nagturo sakin magbike. Naalala ko pa nung tinuturuan niya ko magbike, hindi ko narealize marunong na pala ko magbike kasi bumitaw na pala siya nun, tas ako naman dire-diretso lang. Tapos nung napansin kong wala nakong kasama, dun ako tumumba tas iyak ako ng iyak. Hahaha! Pero after nun, graaaabe. Everytime na umuuwi ako galing school (12nn uwian namin), hinihiram ko bike nila at nagbabike ako sa subdivision namin kahit napaka-init! Tanghali eh. Hahaha. Kaya ang itim itim ko dati eh. :))