Woah. hahaha! >.<

  • John Paul - First crush. LOL
  • Ali Vallinas

Naging crush ko 'to... grade 4 ako. In denial pako nun. Sobrang in denial! Hahaha! Cute cute niya nun. Mukha siyang bumbay. Hahaha! Pero kasi grabe yung kakulitan nito eh. Eto pa yung nambully sakin dati na sinumbong ni Ate kay Mommy. HAHAHAHAHA! Well, not literally bully. Trip niya lang kasi akong suntukin sa braso ko. Pero di naman kalakasan, tsaka di ko masyado pinapansin. Kaso, di ko napansin nagkapasa na pala ako sa braso. LOL. Tapos, nung naggrade 5 hanggang 3rd year high school. Ayan, ako na nanununtok sakanya. Siya punching bag ko. At okay lang din naman sakanya... grabe parang pader naman kasi braso nun! Hahaha! Kaya nakakatuwa. At naging crush din pala ko niyan since grade 4-6? So parehas lang kami. LOL. Nag-a-ILY pa yan sakin pero ako dedma kahit crush ko yan. Niligawan ako, binusted ko agad. HAHAHAHA! Ang weird ko rin eh no. LOL. Kaso kasi nung 2nd year high school lumandi bigla. Nagdalaga ayun, nag-ipon ng ex-girlfriends, nagkabisyo. bla bla bla. Kaya pumangit. >:))) HAHAHA! Joke. Tss. Turn off. LOL.

  • Ernest Alexander...

Eto grade 4 din 'to. Eh bakit kasi ang cucute nila. :)) Pero saglit lang naman. In denial din ako dito eh. LOL. Pero sa ibang bansa siya nag Grade 5 eh...hanggang ngayun nasa ibang bansa parin. Nakapag-usap nga kami niyan minsan sa FB eh. Hehe. Namiss ko rin 'tong lokong 'to. ^-^

(Natatawa ako sa sarili ko ngayun. HAHAHA!)

  • Ron Mercado

Ang first boyfriend ko na sobrang pinagsisisihan ko. 2nd year ako nito. Ewan ko nga kung bakit ko 'to sinagot eh. LOL. Actually star strucked ako nung first meet-up namin. Di naman siya kagwapuhan pero siguro...sadyang charismatic 'tong lalaking to. LOL. Parehas pa kami ng birthday, parehas kami ng goal sa buhay (gusto niya rin maging Chef eh. DAW. hahaha), parehas kaming habulin HAHAHAHAHA! Pero syiempre joke na yun. HAHAHAHA! Basta. Actually, sa text ko lang siya nakilala..nung mga panahong mahilig pako magtext at sumasali-sali pako sa mga clan. LOL. May nakatext kasi ako na ka-village namin at pinakilala niya ko sa bestfriend niya na si Ron. At eto namang katext ko, naging BF ni Bebe Pearl ko. Odiba? Magbest friend at magbest friend. LOL. Ka-village ko pa siya! Pero ayun, ang labo lang ng naging breakup namin dalawa. Hindi kami legal pero nalaman din ni Mommy. lol.

(Hay. Bigla kong nainis ah. hahahaha.)

Aaminin ko...simula nung nagbreak kami, crush ko parin siya nun! At 2years akong di nakaget over dun. Naalala ko pa, 1 year after our breakup sinulatan ko pa siya ng letter. LOL. At binigyan niya ko ng limited edition na baller. HAHAHA! Di ko siya iniyakan pero never ko siyang nakalimutan! Tapos, alam mo yung tipong minsan ka nalang lumalabas ng bahay, natetyempuhan mo pa yung paglabas din niya ng bahay. Awkward... LOL. Pero wala nakong pake ngayun. Hahaha! Tsaka buti nalang nasa province na siya ngayun and wala na kaming communication. Hehehe. Pero nakikita ko siya sa FB. =.= Laki nga ng tinaba eh. Tas umitim. HAHAHA! Pero ewan ko, medyo natatawa parin ako na kinikilig na ewan pagnakikita ko pagmumukha nun. LOL. Parang kay John Paul lang. Hahahaha!

  • Migo Alejo

Ay eto. Pinakamatagal na crush ko! HAHAHA! Eto ang hindi in denial. Simula nung Grade 4 hanggang 3rd year high school crush ko 'to. LOL. Pero paputol-putol. Minsan kasi nakakaturn-off siya eh. Medyo badboy. LOL. Grade 4 ako grade 5 siya. Galing kasi maggitara eh, nagpapiano pa. Napakatalented nitong taong 'to. Ang sakit lang kasi dati di niya ko napapansin. Ayaw daw niya sa mga babaeng flat chested. T-T OUCH. =.= Pero nung 3rd year...langya, siya pa naging first dance ko. Laking tuwa ko nun eh. Haha! Tas umamin siya sakin na crush niya din pala niya ko. T-T Waaaah. Actually naka-MU ko 'to pero never ko sinagot. Sabi ko sakanya maghintay siya. Tss. Hanggang sa ayun, nagsawa sakin. Wala narin akong pake sakanya. HMP! Bahala siya. =.=

4th year high school

  • Gabriel Garcia

Hehehe. Eto, gwapo talaga tong lalaking to. Kaso isip bata. Naalala ko, nung mga 1st day ko palang sa school tingin siya ng tingin sakin. Kilig naman ako. LOL. Pero hanggang dun lang...nawala rin at nasanay sa kagwapuhan niya. HAHAHA!

  • Preddie Andres

Laking tao nito. Pero kinatutuwa ko sakanya, masaya siya kausap. Yun lang. lol. Tsaka super saglit lang. Kasi medyo di ko din gusto ugali nito. Though may pagka-clown siya sa classroom. Haha. KASO SIYA PA NAKAWALA NG SINGSING NA BINIGAY SAKIN NI MOMMY. HUHU. T-T Kaya simula nun kinamuhian ko na siya eh. T-T Pero syiempre kinakausap ko parin. Pero minsan, naiinis ako. =.=

  • Enrico Estanislao

Crush ko lang naman siya pagnaggigitara..As in sobrang galing. ^-^ Pero hanggang dun lang. hehe. Medyo di ko kasi gusto ugali niya eh. Di rin naman siya kagwapuhan...feeling lang niya. LOL.

  • Micaelo Mojica

Eto? Bat ko nga ba naging crush to? Di naman siya kagwapuhan. Pero muntik ko na maka-MU to. Naturn-off lang ako sakanya kasi nung nalamang niyang crush ko siya, bigla niya kong niligawan. Tss. Playboy ba tawag dun? Basta. Parang may masabi lang may karelasyon siya. Pssh. Eh malamang busted. =.=

Pero simula nung nag1st year college ako...ayun, wala na talagang napagtripan...may mga nakikitang gwapo pero pssh. Di nila kaya Jang Geun Suk ko! hahahahaha! Kidding. De, what I mean is...wala kong crush ngayun kasi may MAHAL nako! HAHAHAHAHAHAHA! Pero joke nayun syiempre. ^-^

-end

may 18 2013 ∞
may 20 2013 +