|
bookmarks:
|
main | ongoing | archive | private |
four stages of cancer
may cancer ang asawa ko. hinga nang maluwag, hindi literal. it's a metaphor. nadiskubre ko yung cancer niya noong stage 3 na ito, malaki na, mataas ang posibilidad na di na mapigilan, pwedeng kumalat at ikamatay niya.
"magiging busy na tayo... naiintindihan mo ba ako?"
gusto kong sumigaw, "hindi!!!! tangina hindi!!!!" pero may magagawa ba ako? nalungkot ako syempre, pero hindi ako nagpaapekto, kailangan matatag lang, walang iyakan, kung aalis, edi umalis.
noong may nagsabi sa akin na mas maganda na yung ihanda ka niya sa pag-alis niya, kaysa biglaan siyang umalis, hindi ko mapigilang mapa-isip.
tama, mas maganda yung unti-unti ko siyang nakikitang mamatay, kaysa biglaan siyang kunin. tama, mas masaya yung pakiramdam na ang hirap maging masaya kasi alam mo baka bukas wala na siya.
eto ang mahirap sa cancer. imbis na biglaang patay di tulad ng shotgun, inuunti-unti ka, hanggang sa maubos ka, dahan dahan na sisirain ang sistema mo. eto ang mahirap sa cancer, may stages.
sa stage 1. maliit pa lang ang cancer at nasa iisang organ pa lang.
ito pa lang yung sumisibol na thought na, "magiging busy nga kami... hindi, kaya namin to."
yan yung part na pwedeng pwede pang baliktarin ang isip niya at lubluban siya ng possitivity nang matauhan. (sana nalaman ko na nung stage 1 pa lang para naligtas ko siya)
stage 2. yan, yung lumaki na ang tumor, pero pwede pang iligtas. magagamot pa to! tiwala lang!
yan din yung lumalaki niyang doubt na makakaya niya, na makakaya namin. pero isang sampal, unying tadyak, baka umepekto pa dito.
stage 3. malaking malaki na ang tumor at mataas ang tyansa na kumalat ang cancer sa ibang organ.
ito yung nilamon na siya ng thought na aalis na nga siya, sigurado na. binalot na siya ng lungkot at baka makahawa na sa iba.
stage 4. yan yung kumalat na sa ibang organ ang cancer. imposible nang maligtas. yung tipong bilang na araw mo at hihintayin na lang ang tamang oras na mawala siya sa mundo.
ito yung part na gusto kong maging masaya para kahit man lang sa bilang na oras na makasama ko siya, eh madama niyang okay lang ang lahat. ito din yung part na pinakamahirap maging masaya kasi ang sakit sakit sa pakiramdam na makita mo harap-harapan na unti unti na siyang nawawala sayo. pero kung yung last dying wish niya ay "gusto ko lagi kang masaya" eh tangina ano pa ba magagawa mo?!
ang hirap ng ganito.
sana napigilan ko.