user image

i love park jimin with all my ♡. happy anniversary muggle! i'm happy that i spent a year with your dry puns. here are my rotten works. cringe. let my words reach you, mon amour. for there's no fooling around when i told you that you are and will forever remain to be my greatest love. i'll always see you in my dreams. and our physical contact won't be for long, but my love will remain for evermore....

bookmarks:
listography IMPORTANT NOTICES
NEWS
TERMS
GIVE MEMORIES
CONTACT

masaya ka ba?

isang taon na tayong nagsasama, kung tutuusin, hindi pa rin ako makapaniwala. hindi naman bago sa pandinig mo ang storya ng isang babaeng paulit-ulit na nabigo sa pag-ibig. ang babaeng 'yon na tinaboy lahat ng nagmamahal sa kanya dahil sa mga pansarili niyang takot, at naging resulta noon ay ang paglisan nila. ang pangit man aminin, ako ang babaeng tinutukoy. at ikaw? isang kang lalaking natutong maging mapagpasensya dahil sa akin. ang daming tanong na tumatakbo lagi sa isip ko. "masaya ka ba?" "napapasaya ba kita?" "paano kung hindi?" "iiwan mo ba ako?" iniisip ko na naman ang lahat ng mga pagkukulang ko sa mga dati kong naging karelasyon. alam mo kung anong sakit ng utak ko? palagi kong iniisip na ako lang lagi yung sobra magmahal, ako na lang palagi yung gumagawa ng paraan, ako na lang lagi yung nagmamahal, ako na lang lagi. hindi ko inisip na nasasaktan din siguro yung minamahal ko. hindi ko naisip na baka hindi ko siya napapasaya. pero sa lahat ng ginagawa ko para sa kanya hindi pa din siya masaya? hindi ko naisip na baka hindi 'yon ang kailangan niya. inisip ko lang yung sarili ko na nasasaktan kasi parang isang lumulubog na barko na ang pagsasama namin. iniisip ko na 'yong karagatan ang pag-ibig ko, at di ko nasalba ang barko, nilamon ko ang barko, sinira ko ito. hindi ko naisip na baka hindi 'yung mga ginagawa ko ang kailangan niya, kundi ako.

kaya sinabi ko sa sarili ko, kung sakaling magmamahal ulit ako, ibibigay ko na ang kabuuan ko. at ginawa ko. kaya tinatanong ko, masaya ka ba? hindi ka na ba aalis?

ang hirap. sana maintindihan mo ngayon na masakit para sa akin na malaman na aalis ka. at sana bigyan mo pa ako ng kaunti pang panahon para tanggapin sa sarili ko na pwede pa akong maging masaya kahit wala ka na. sana isang sampal pa, para magising ako sa katotohanan.

hindi ko kaya maging masaya kung wala ka. tangina, hindi ko alam kung bakit, pero ang tanging nararamdaman ko lang ngayon ay ang hapdi sa dibdib ko.

ngayon hindi ko pa matanggap, sana bukas, oo na. sana bukas, maging masaya na ako para sa'yo.

pero hindi ko pa rin kaya.

may pagkukulang pa rin ba ako? hindi ba kita napasaya? kung ganon, bakit aalis ka pa rin? bakit mo iiwan ang isang taong nagmamahal sa'yo? oo, kumikitid ang utak ko. minsan nga kapag nagpupunas na ako ng luha ko sinasabi ko sa sarili ko, "kailangan niyang umalis. wag mo siyang pipigilan."

at alam mo, hindi nga kita kayang pigilan. dahil sino nga ba ako para gawin 'yon?

noong sinabi ko sa'yong ikaw na talaga ang huli kong mamahalin, seryoso ako doon. pinasaya mo ako sa isang taon na to. at sa tingin ko, kung hindi lang tumataliwas ang panahon sa pagmamahalan natin, patuloy mo akong pasisiyahin.

at mahal kita. kaya sinubukan ko, hanggang ngayon sinusubukan kong pasayahin ka.

mahal, sabihin mo sa akin. masaya ka ba? kasi ngayon pakiramdam ko na ang sama sama kong tao, na wala akong kwenta kasi wala akong magawa para panatilihin ka. masyado kang nagmahal, at ako? masyado akong natuwa na may lubos na nagmamahal sa akin. at ngayon, nagising ako sa katotohanan.

iiwan mo na nga ako. sa huling pagkakataon, nais kong malaman. mahal, masaya ka ba? kasi kung oo, baka sakaling... sa kailalim-laliman ng puso ko, matanggap kong kailangan na kitang pakawalan.

mahal, mahal na mahal kita. kung ito na ang isa sa mga huling sulat na isusulat ko sayo, kailangan mong malaman 'to. hindi ako nagsisising naging katukayo kita.

alam mong maghihintay lang ako para sa'yo.

may 23 2017 ∞
may 23 2017 +