Nakakatakot pala

Kung ika'y manatili sa aming bahay

Mabait ka daw sabi nila

Sabi rin ni Inay huwag maging pasaway

-

Ikaw ba ‘yon?

Ang nararamdaman kong tingin?

Kahit kung ika'y malayo

May gagawin ka ba sa akin?

-

Aalis daw muna si Inay

Ngayon ikaw lang ang kasama ko

Nanginginig ang aking kamay

At ang isip ko'y blangko

-

Ano ang ginawa mo?

Nandidiri na ako sa aking sarili

Marumi na ang laway ko

Bakit mo akong pinwersang sumali?

-

Saan ka na po, Inay?

Gusto ko nang umiyak

Ang takot ko ngayon ay tunay

Paki-tulong naman po ang iyong anak

-

Hindi siya nakinig

Alam ko naman na noon pa

Kay Inay, ang trabaho niya ay mas nanaig

Kaysa sa mahal para sa anak niya

-

Ako'y natatakot pa rin

Hindi lang sa lalaki na inuwi ni Inay

Pero sa lahat ng lalaki na nakatingin sa akin

Ganito nalang ako habambuhay

-

Wala akong pwedeng gawin

Dahil walang makikinig sa aking mga salita

Hindi ko rin ito pwedeng ayusin

Dahil ako lamang ay isang bata

-

feb 8 2026 ∞
feb 8 2026 +